natus Echo-Screen III Instrucciones De Uso página 201

Ocultar thumbs Ver también para Echo-Screen III:
Tabla de contenido

Publicidad

Pilipino
Paglalarawan:
Ang Baterya ng Echo-Screen III ay ang pinakamainam na aparato na ginagamit upang paganahin ang
Echo-Screen III na aparato.
Nilalayong Paggamit:
Ang Baterya ng Echo-Screen III ay nilalayong gamitin sa Echo-Screen III na aparato na pandinig.
Ginagamit ang baterya para paganahin ang aparato.
Mga Nilalayong Gagamit at Target na Grupo ng Pasyente:
Ang mga Echo-Screen III na aparato ay dinisenyo para gamitin sa mga kapaligirang medikal, gaya ng well-
baby nursery, NICU, katabi ng ina sa kama, audiology suite, klinikang pang-outpatient, o tanggapan ng
doktor, at sa mga kapaligirang pampaaralan. Ang mga Echo-Screen III na aparato ay sinadya para gamitin
ng mga audiologist, manggagamot, nurse, at technician, at sinumang iba pang kawani na sinanay para
patakbuhin ang aparato. Sapat ang pangunahing pagsasanay gamit ang aparato para sa pagsasagawa ng
pagsusuri sa mga pasyenteng maganda ang kalusugan.
Mga Klinikal na Benepisyo:
Natutukoy ng Echo-Screen III na aparato ang pagkawala ng pandinig sa pamamagitan ng paggamit ng
teknolohiyang Automated Otoacoustic Emissions (AOAE
), na kinabibilangan ng teknolohiyang Transient
®
Evoked Otoacoustic Emissions (TEOAE), Distortion Product Otoacoustic Emissions (DPOAE), at Auditory
Brainstem Response (ABR).
Mga Kontraindikasyon at Masasamang Epekto:
Walang mga batid na kontraindikasyon o masasamang epekto para sa mga pamamaraang isinagawa gamit
ang Pack ng Baterya ng Echo-Screen III.
Mga Tagubilin sa Pagpapatakbo:
Ipinapadala ang Echo-Screen III Pro na aparato nang may dalawang bahagyang kinargahang baterya.
Bago gamitin ang aparato, dapat mong kargahan nang lubusan ang bateryang gagamitin mo sa aparato.
Kargahan din nang lubusan ang reserbang baterya bago gamitin. Maaari mong i-dock ang aparato sa
docking station para kargahan ang parehong baterya nang sabay. Awtomatikong kinokontrol ng
Echo˗Screen III Pro docking station ang proseso ng pagkarga. Ipinahihiwatig ng dalawang LED ng
baterya ang progreso ng pagkarga. Kulay dilaw ang liwanag ng mga LED habang nagkakarga ang
baterya at kulay asul ang liwanag kapag ganap nang nakargahan ang baterya. Ipinahihiwatig ng LED ng
baterya sa aparato ang status ng pagkarga ng bateryang nakakabit sa aparato, at ipinahihiwatig ng LED
sa docking station ang status ng pagkarga ng reserbang baterya.
Pahina 1 ng 9

Publicidad

Tabla de contenido
loading

Tabla de contenido