Palitan ang Baterya:
1. Patayin ang aparato. Padausdusin ang compartment tab ng baterya sa likod ng aparato
hanggang sa dulo ng siwang at hawakan ito habang inaangat mo ang baterya.
2. Ilagay ang reserbang baterya at palagutukin sa lugar.
3. Buksan ang aparato.
Mga Tagubilin sa Paglilinis:
Ang mga Echo-Screen III na aparato at mga bahagi nito ay dapat linisin nang regular, tulad ng
sumusunod:
•
Araw-araw na magsagawa ng bahagyang paglilinis ng baterya.
Kapag kinakailangan para alisin ang naipong dumi, linisin nang lubusan ang baterya.
•
MAHALAGA! Ang baterya ng Echo-Screen III na aparato ay hindi dapat mailantad sa mga solusyong
panglinis o likido maliban sa inaprubahang panglinis at mga protokol sa paglilinis. Ang mga inaprubahang
panglinis ay isopropyl alcohol at banayad na solusyon ng masabong tubig.
Bahagyang Paglilinis ng Baterya ng Echo-Screen III:
1. Tanggalin ang baterya mula sa compartment ng baterya.
2. Gumamit ng prepackaged na alcohol wipe o isang mamasa-masang tela na walang hibla-hibla
(hindi basa) na may 70% isopropyl alcohol upang punasan ang lahat ng pang-ibabaw ng aparato
ng pagsusuri, kabilang ang plastik na pansara ng baterya. Gumamit ng swab upang maabot ang
maliliit na bahagi.
3. Punasan ang pansara ng baterya at mga contact ng baterya.
4. Hayaang matuyo nang lubusan ang baterya.
5. Ilagay muli ang baterya.
Para sa masusing paglilinis ng baterya, patayin ang aparato, alisin sa pagkakasaksak ang lahat ng cable,
at tanggalin ang baterya. Gumamit ng mamasa-masang (hindi basa) tela na walang hibla-hibla na may
banayad na sabon, tulad ng likidong sabon na panghugas ng pinggan, at tubig na pinalabnaw ayon sa
rekomendasyon ng tagagawa ng sabon upang alisin ang mga naipong dumi at grasa mula sa mga plastik
na pang-ibabaw ng lalagyan ng baterya. Maaari kang gumamit ng swab upang maabot ang maliliit na
bahagi.
Pag-unawa sa mga Pahayag ng Babala at Pag-iingat:
BABALA
Tumutukoy sa isang mapanganib na sitwasyon na maaaring magresulta sa kamatayan o
malubhang pinsala kung hindi maiwasan.
MAG-INGAT
Tumutukoy sa isang mapanganib na sitwasyon na maaaring magresulta sa bahagya o
katamtamang pinsala o pinsala sa materyales kung hindi maiwasan.
Pahina 3 ng 9