Descargar Imprimir esta página

Marshall EMBERTON II Manual Del Usuario página 30

Ocultar thumbs Ver también para EMBERTON II:

Publicidad

Idiomas disponibles

Idiomas disponibles

Samsvarserklæringen finner du på denne nettsiden:
www.marshallheadphones.com/doc
Utformet i Stockholm • Produsert i Kina
FILIPINO – WIKANG FILIPINO
MAHALAGANG MGA TAGUBILING
PANGKALIGTASAN
1. Basahin ang mga tagubiling ito
2. Itago ang mga tagubiling ito
3. Pansinin ang lahat ng babala
4. Sundin ang lahat ng tagubilin
5. Linisin lamang ng tuyong tela
6. Huwag harangan ang anumang mga bukas na
bentilasyon. I-install alinsunod sa mga tagubilin ng
tagagawa.
7. Huwag i-install nang malapit sa anumang mga
pinagmumulan ng init tulad ng mga radyetor, mga
rehistro ng init, mga kalan, o iba pang mga aparato
(kabilang ang mga amplifier) na naglalabas ng init.
8. Ingatan ang kurdon ng kuryente na huwag
matapakan o mapingot lalo na sa mga plug, mga
lalagyan, at ang dulo kung saan ang mga ito ay
lumalabas mula sa aparato.
9. Gamitin lamang ang mga ikinakabit/aksesorya na
tinukoy ng tagagawa.
10.
Gamitin lamang kasama ang cart, stand,
tripod, bracket, o mesa na tinukoy ng
tagagawa, o ibinebenta kasama ang
aparato. Kapag ginamit ang isang cart o
rack, mag-ingat kapag iginagalaw ang kombinasyon
ng cart/aparato upang maiwasan ang pinsala mula
sa pagkatagilid.
11. Alisin sa pagkasaksak ang aparatong ito sa
panahong may mga bagyo't pagkidlat o kapag hindi
ginagamit sa mahabang panahon.
12. Isangguni ang lahat ng pagserbisyo sa mga
kwalipikadong tauhan ng serbisyo. Kinakailangan
ang pagseserbisyo kapag nasira ang aparato, kable
ng suplay ng kuryente o saksakan sa anumang
paraan o hindi gumagana nang normal.
MGA BABALA
• Hindi ito laruan. Ilayo ang produktong ito at ang mga
aksesorya nito sa maliliit na bata.
• Sundin ang impormasyong pang-elektrikal at
pangkaligtasan sa ibabang panig ng produkto bago
i-install o paganahin ito.
• Huwag ibagsak ang produkto.
• Huwag takpan ang produkto, dahil maaaring
magdulot ito ng labis na pag-iinit.
• Ang masyadong paglapit ng iyong mga tainga sa
speaker ay maaaring makasira sa iyong pandinig.
• Huwag makinig nang napakatagal sa isang mataas
na antas ng presyon ng tunog.
• Huwag ilagay ang produkto sa isang lugar na naha-
harangan ang akses sa pagmumulan ng kuryente.
• Ang internal na baterya ay walang-pamalit para
sa gumagamit. Huwag subukan na tanggalin ang
baterya mula sa produktong ito.
• Huwag ilantad ang baterya sa labis na init tulad ng
direktang sinag ng araw, ningas ng apoy o katulad
nito.
• Tiyaking ganap na tuyo ang produktong ito kabilang
ang mga kable at saksakan bago i-charge ang
bateryang panloob.
PAG-INSTALL AT KONEKSYON
• Gumamit lamang ng standard USB-C na kable na
nakakonekta sa isang pinagmumulan ng kuryente na
USB sa pag-charge sa produktong ito.
• Dapat walang mga pagmumulan ng ningas ng apoy,
tulad ng mga kandilang may sindi, ang dapat ilagay
sa ibabaw o malapit sa aparato.
IMPORMASYON SA PAGTATAPON AT PAG-
RECYCLE
Ang mga produktong elektrikal, kable, baterya,
kahon, at ang manwal ay hindi dapat ihalo sa
pangkalahatang basura sa bahay. Para sa
angkop na pagresiklo, mangyaring dalhin ang
mga produktong ito sa inilaang pagkukunan
kung saan ay tatanggapin ang mga ito nang libre o
ibalik ang mga ito sa iyong lokal na tagapagtinda.
Ang tamang pagtatapon sa produkto ay nakakatipid
ng mapagkukunan at nakakapigil ng mga negatibong
epekto sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa
pagtatapon at pag-recycle, bisitahin ang website www.
marshallheadphones.com

Publicidad

loading