Descargar Imprimir esta página

Suunto RACE OW224 Manual página 119

Publicidad

PANAHONG SAKLAW NG WARRANTY
Magsisimula ang Panahong Saklaw ng Internasyonal na Limitadong Warranty sa petsa ng orihinal
na retail na pagbili.
Dalawang (2) taon ang Panahong Saklaw ng Warranty para sa Mga Relo, Smart Watch, Dive
Computer, Heart Rate Transmitter, Dive Transmitter, Dive Mechanical Instrument, at Mechanical
Precision Instrument maliban kung iba ang nakasaad.
Isang (1) taon ang Panahong Saklaw ng Warranty para sa mga aksesorya kasama ang, ngunit hindi
limitado sa, mga strap sa dibdib, strap ng relo, bracelet, hose, charger, kable, at nare-recharge na
baterya ng Suunto.
Limang (5) taon ang Panahong Saklaw ng Warranty para sa mga pagkakamaling maiuugnay sa
sensor ng sukat ng lalim (presyon) sa mga Suunto Dive Computer.
MGA HINDI KABILANG AT LIMITASYON
Hindi sinasaklaw ng Internasyonal na Limitadong Warranty na ito ang:
1. a) normal na pagkasira gaya ng mga gasgas, pilas, o pag-iiba ng kulay at/o materyal ng mga
strap na hindi gawa sa metal, b) mga depektong dulot ng di-maingat na paggamit, o c) mga
depekto o pinsala bunga ng paggamit taliwas sa nilalayon o inirerekomenda, maling pag-
iingat, pagpapabaya, at mga aksidente tulad ng pagkabagsak o pagkadurog;
2. mga naka-print na materyal at packaging;
3. mga depekto o diumano ay depektong dulot ng paggamit kasama ng anumang produkto,
aksesorya, software at/o serbisyong hindi gawa o galing sa Suunto;
4. mga bateryang hindi nare-recharge.
Hindi ginagarantiyahan ng Suunto na hindi maaantala ang o walang magiging problema sa
paggana ng produkto o aksesorya, o na gagana ang produkto o aksesorya kasama ng anumang
hardware o software na mula sa isang ikatlong partido.
Ang Internasyonal na Limitadong Warranty na ito ay hindi maipapatupad kapag ang produkto o
aksesorya ay:
1. nabuksan nang lagpas sa itinakdang paggamit;
2. nakumpuni gamit ang mga di-awtorisadong piyesa, o binago o kinumpuni ng di-
awtorisadong Service Center;
3. natanggal, binago, o ginawang hindi mababasa sa anumang paraan ang serial na numero,
na ibabatay sa tanging pagpapasya ng Suunto; o
4. na-expose sa mga kemikal kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, sunscreen at mga
panlaban sa lamok.
PAGGAMIT SA WARRANTY SERVICE NG SUUNTO
Dapat ay magbigay ka ng katibayan ng pagbili para magamit mo ang warranty service ng Suunto.
Dapat mo ring irehistro ang iyong produkto online sa
mga warranty service sa buong mundo. Para sa mga tagubilin kung paano makakuha ng warranty
service, bisitahin ang suunto.com/warranty, makipag-ugnayan sa iyong lokal na retailer ng Suunto,
o makipag-ugnayan sa pangkat na sumusuporta ng Suunto sa suunto.com/support.
LIMITASYON NG PANANAGUTAN
Hanggang sa sukdulang pinapahintulutan ng mga naaangkop na mandatoryong batas, ang
Internasyonal na Limitadong Warranty na ito ay ang iyong natatangi at eksklusibong remedyo at
papalitan nito ang lahat ng iba pang warranty, ipinabatid man o ipinahiwatig. Hindi mananagot
suunto.com/register
upang makatanggap ng
119

Publicidad

loading