hindi mo nailagay ang nasuring value sa iyong dive computer. Kung hindi masiyasat ang mga nilalaman ng
tangke at ilagay ang mga tamang value ng gas sa iyong dive computer nang naaangkop ay magreresulta
sa maling impormasyon sa pagpaplano ng pagsisid.
IMPORMASYON NG APARATO
Upang tingnan ang mga detalye ng hardware, software, at sertipikasyon ng iyong relo, kumpletuhin ang
sumusunod na hakbang:
Kapag nasa watch face:
1. Pindutin nang matagal ang gitnang button upang pumunta sa Settings.
2. Pindutin ang gitnang button upang pumunta sa General.
3. Pinduting muli ang gitnang button para buksan ang About kung saan makikita mo ang impormasyon
ng aparato at mga e-label.
MGA KONDISYON SA PAGPAPAGANA
• Saklaw ng altitude (taas): 0 hanggang 10000 m sa ibabaw ng dagat
• Saklaw ng taas para sa pagsisid: 0 hanggang 3000 m sa ibabaw ng dagat
• Temperatura sa pag-store at pagpapagana (sa ibabaw ng dagat): -20 °C hanggang +55 °C / -4 °F
hanggang +131 °F
PAALALA: Huwag hayaang direktang nasisikatan ng araw ang relo!
• Temperatura sa pagpapagana (pagsisid): 0 °C hanggang +40 °C / +32 °F hanggang +104 °F
PAALALA: Maaaring makasira sa relo ang pagsisid sa napakalamig na mga kondisyon. Siguraduhing
hindi nagyeyelo ang aparato kapag basa.
• Inirerekomendang temperatura sa pag-charge: 0 °C hanggang +45 °C / +32 °F hanggang +113 °F
• Hindi napapasukan ng tubig: 100 m / 10 bar
• IP-class: IPX8
BABALA: Huwag i-expose ang aparato sa mga temperaturang mas mataas o mas mababa kaysa sa
ibinigay na mga limitasyon, kung hindi, maaari itong masira o maaari kang ma-expose sa panganib sa
kaligtasan.
IMPORMASYONG TEKNIKAL
• Sensor ng katumbas na pressure ng temperatura
• Maximum na lalim ng operasyon habang sumisisid: 60 m, alinsunod sa EN 13319 at ISO 6425
• Katumpakan: ± 1% ng buong sukat o mas mahusay pa mula 0 hanggang 60 m sa 20 °C / 0 hanggang
197 ft sa 68 °F, alinsunod sa EN 13319
181