Descargar Imprimir esta página

Suunto OCEAN Manual Del Usuario página 183

Publicidad

Idiomas disponibles
  • ES

Idiomas disponibles

  • ESPAÑOL, página 26
PAALALA: Banlawan nang lubusan ang aparato gamit ang tubig-tabang at banayad na sabon,
at maingat na linisin ang housing gamit ang mamasa-masang malambot na tela o chamois, lalo na
pagkatapos sumisid sa tubig-alat at pool. Bigyan pansin ang lugar ng sensor ng pressure, mga kontak
ng tubig, mga button, at mga pin ng charger. Maingat na linisin ang dulo ng kableng pang-charge, ngunit
huwag itong ilubog sa tubig.
PAALALA: Huwag iwanan ang iyong Suunto na aparato na nakalubog sa tubig (para sa pagbanlaw).
BABALA: Huwag gumamit ng compressed air o mga hose ng tubig na mataas ang pressure upang
linisin ang iyong dive computer. Maaaring permanenteng mapinsala nito ang sensor ng pressure sa iyong
dive computer.
BABALA: Mga orihinal na accessory lang ng Suunto ang gamitin – hindi sakop ng warranty ang
pinsalang dulot ng mga hindi orihinal na accessory.
Ang yugto ng pangangalaga ay 500 oras ng pagsisid o dalawang taon, alinman ang mauna. Mangyaring
dalhin ang iyong aparato sa isang awtorisadong sentro ng serbisyo ng Suunto.
CE
Sa pamamagitan nito, ipinapahayag ng Suunto Oy na ang uri ng kagamitan sa radyo na DW223 ay
sumusunod sa Direktiba 2014/53/EU. Ang buong dokumento ng pahayag ng pagsunod sa EU ay available
sa sumusunod na internet address: suunto.com/EUconformity.
CE SAR
Ang kagamitang ito ay dapat i-install at gamitin sa minimum na distansya na 0 mm sa pagitan ng radiator
at ng iyong mga pulso, at 10 mm sa pagitan ng radiator at ng iyong ulo.
EU PERSONAL PROTECTIVE EQUIPMENT
Ang Tank POD kasama ang Suunto Ocean dive computer ay isang personal protective equipment sa ilalim
ng EU Regulation 2016/425.
Nakumpleto ng inabisuhang lupon blg. 0078, ang Institut National de la Plongée Professionnelle, Entrée
3 - Port de la Pointe Rouge, 13008 MARSEILLE, France, ang eksaminasyon sa uri ng PPE ng EU (Module
B) at isinasagawa nito ang pamamaraan sa pagsusuri ng pagsunod (Module C2): Pagsunod sa uri batay
sa internal na kontrol sa produksyon at mga sinusubaybayang pagsusuri ng produkto sa mga random
na interval.
Sertipikado ang Suunto Ocean dive computer ayon sa EN 250:2014.
Sertipikado ang aparato ayon sa mga kinakailangang tinukoy sa pamantayan na EN 250 hanggang sa
lalim na 50 metro.
183

Publicidad

loading

Este manual también es adecuado para:

Dw223