natus Echo-Screen III Instrucciones De Uso página 105

Ocultar thumbs Ver también para Echo-Screen III:
Tabla de contenido

Publicidad

Mga Kontraindikasyon at Masasamang Epekto:
Walang mga batid na kontraindikasyon o masasamang
epekto para sa mga pamamaraang isinagawa gamit ang
Pack ng Baterya ng Echo-Screen III.
Mga Tagubilin sa Pagpapatakbo:
Ipinapadala ang Echo-Screen III Pro na aparato nang
may dalawang bahagyang kinargahang baterya. Bago
gamitin ang na aparato, dapat mong kargahan nang
lubusan ang bateryang gagamitin mo sa na aparato.
Kargahan din nang lubusan ang reserbang baterya
bago gamitin. Maaari mong i-dock ang na aparato
sa docking station para kargahan ang parehong
baterya nang sabay. Awtomatikong kinokontrol ng
Echo-Screen III Pro docking station ang proseso ng
pagkarga. Ipinahihiwatig ng dalawang LED ng baterya
ang progreso ng pagkarga. Kulay dilaw ang liwanag
ng mga LED habang nagkakarga ang baterya at kulay
asul ang liwanag kapag ganap nang nakargahan ang
baterya. Ipinahihiwatig ng LED ng baterya sa na aparato
ang status ng pagkarga ng bateryang nakakabit sa na
aparato, at ipinahihiwatig ng LED sa docking station ang
status ng pagkarga ng reserbang baterya.
Ang baterya para sa system ng Echo-Screen III Pro
ay dinisenyo upang magpanatili ng karga nang hindi
bababa sa 40 na mga pagsusuri bago kailangang
kargahang muli. Tinukoy ang pagsusuri para sa layuning
ito bilang isang kumpletong bilateral na pagsusuri ng
ABR, mula sa simula hanggang sa katapusan, mula sa
pagpasok ng impormasyon ng pasyente hanggang sa
pag-print ng mga label, kabilang ang oras na nakatigil o
naka-standby sa panahon ng paghahanda ng pasyente.
Ang tagapaghiwatig ng baterya ay nagiging pula kapag
may natitirang 20% ng karga ng baterya, at maaari
kang makapagsagawa pa ng kalahating dosena o higit
pang pagsusuri batay sa kahulugang ito ng pagsusuri.
Kung mas maikli ang mga sesyon ng iyong pagsusuri,
o nagsasagawa ka ng mga Mabilisang Pagsusuri, maaari
kang makapagsagawa ng marami pang pagsusuri bago
ka pagbawalang magsuri dahil sa mahinang baterya.
Mag-iiba ang iyong mga resulta batay sa kumpigurasyon
ng na aparato at sa modality ng pagsusuri na gagamitin
mo. Kapag umabot na sa 15% ang antas ng baterya,
makatatanggap ka ng paalala na humihina na ang
baterya, at pipigilan kang magsuri. Kapag ang antas ng
baterya ay 12% o mas mababa, ipinapakita ang isang
mensahe upang ikabit ang charger at awtomatikong
mamamatay ang na aparato. Karaniwang nagkakarga
ang mga baterya hanggang 100% sa loob nang humigit-
kumulang 5.5 oras. Upang makakuha ng pamalit na
baterya, kontakin ang Serbisyong Teknikal ng Natus o
ang iyong awtorisadong kinatawan ng serbisyo. Sundin
ang mga protokol ng iyong institusyon para sa wastong
pagtatapon ng mga baterya.
LED sa pagkarga ng
baterya ng device
LED sa pagkarga ng
reserbang baterya
Inalis ang
baterya
Kargahan ang Baterya:
1. Kapag nasa na aparato ang pangunahing baterya,
ilagay ang na aparato sa docking station o isaksak
ang AC adapter sa na aparato at isang power
outlet. Ang LED na ilaw ng status ng baterya sa
harap ng na aparato ay ipinahihiwatig ang status
ng pagkakarga para sa pangunahing baterya.
2. Ilagay ang reserbang baterya sa compartment
ng reserbang baterya ng docking station. Hindi
kinakailangang ganap na nakadiskarga ang mga
baterya bago ang muling pagkakarga. Ang LED na
ilaw ng status ng baterya sa harap ng na aparato
ay ipinahihiwatig ang status ng pagkakarga
para sa pangunahing baterya. Ang LED na
ilaw ng status ng baterya sa docking station ay
ipinahihiwatig ang status ng pagkakarga para sa
reserbang baterya. Mga tagapaghiwatig ng status
ng pagkakarga:
• Kulay-ube ang liwanag kapag masyadong
mababa ang antas ng baterya para sa
karaniwang pagkakarga. Dahan-dahang
magkakarga ang baterya hanggang sa
sapat ang taas ng antas para sa karaniwang
pagkakarga.
• Dilaw ang liwanag habang nagkakarga ang
baterya.
• Asul ang liwanag kapag ganap nang
nakargahan ang baterya.
Naka-off ang mga tagapaghiwatig kapag hindi
nagkakarga ang baterya.
Palitan ang Baterya:
1. Patayin ang na aparato. Padausdusin ang
compartment tab ng baterya sa likod ng na
aparato hanggang sa dulo ng siwang at hawakan
ito habang inaangat mo ang baterya.
2. Ilagay ang reserbang baterya at palagutukin sa
lugar.
3. Buksan ang na aparato.
Serial number
Koneksyon sa
docking station
Baterya
105

Publicidad

Tabla de contenido
loading

Tabla de contenido