Mga Tagubilin sa Paglilinis:
Ang mga Echo-Screen III na aparato at mga bahagi nito
ay dapat linisin nang regular, tulad ng sumusunod:
•
Araw-araw na magsagawa ng bahagyang paglilinis
ng baterya.
•
Kapag kinakailangan para alisin ang naipong dumi,
linisin nang lubusan ang baterya.
MAHALAGA! Ang baterya ng Echo-Screen III na
aparato ay hindi dapat mailantad sa mga solusyong
panglinis o likido maliban sa inaprubahang panglinis
at mga protokol sa paglilinis. Ang mga inaprubahang
panglinis ay isopropyl alcohol at banayad na solusyon
ng masabong tubig.
Bahagyang Paglilinis ng Baterya ng Echo-Screen III:
1. Tanggalin ang baterya mula sa compartment
ng baterya.
2. Gumamit ng prepackaged na alcohol wipe o
isang mamasa-masang tela na walang hibla-hibla
(hindi basa) na may 70% isopropyl alcohol upang
punasan ang lahat ng pang-ibabaw ng na aparato
ng pagsusuri, kabilang ang plastik na pansara ng
baterya. Gumamit ng swab upang maabot ang
maliliit na bahagi.
3. Punasan ang pansara ng baterya at mga contact
ng baterya.
4. Hayaang matuyo nang lubusan ang baterya.
5. Ilagay muli ang baterya.
Para sa masusing paglilinis ng baterya, patayin ang
na aparato, alisin sa pagkakasaksak ang lahat ng
cable, at tanggalin ang baterya. Gumamit ng mamasa-
masang (hindi basa) tela na walang hibla-hibla na
may banayad na sabon, tulad ng likidong sabon na
panghugas ng pinggan, at tubig na pinalabnaw ayon
sa rekomendasyon ng tagagawa ng sabon upang alisin
ang mga naipong dumi at grasa mula sa mga plastik
na pang-ibabaw ng lalagyan ng baterya. Maaari kang
gumamit ng swab upang maabot ang maliliit na bahagi.
Pag-unawa sa mga Pahayag ng Babala at Pag-iingat:
BABALA
Tumutukoy sa isang mapanganib na sitwasyon na
maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang
pinsala kung hindi maiwasan.
MAG-INGAT
Tumutukoy sa isang mapanganib na sitwasyon na
maaaring magresulta sa bahagya o katamtamang
pinsala o pinsala sa materyales kung hindi
maiwasan.
Mga Babala at Paghahanda sa Panganib:
BABALA
• Palaging kargahan ang mga baterya sa labas ng
kapaligiran ng pasyente (hindi bababa sa 4.6 m
(15 ft.) mula sa pasyente).
• Iwasang maabot ng mga bata.
• Ilayo ang baterya mula sa kapaligirang nagliliyab.
Ang maling pangangasiwa ay maaaring labis na
magkarga o makasira sa baterya.
• Gamitin lamang ang docking station na ibinigay
ng Natus o power supply na ibinigay ng Natus na
direktang nakakabit sa na aparato upang kargahan
ang baterya. Ang mga charger ng baterya na hindi
aprubado ng Natus ay maaaring hindi matugunan
ang mga pamantayang pang-elektrikal at
pangkaligtasan. Maaaring magdulot ng pinsala sa
na aparato ang paggamit ng ibang charger at hindi
mananagot ang Natus sa mga pinsalang dulot ng
paggamit ng mga ito.
• Kargahan lamang ang baterya sa Natus
Echo-Screen III screener o sa Natus Echo-Screen III
docking station. Ang pagkabigong sumunod sa
babala ay maaaring magresulta sa sunog, pagsabog,
pagtagas, labis na pag-init, o pinsala sa baterya.
• Huwag kargahan o ikabit ang baterya kapag basa
ng alcohol ang screener o docking station. Ang
pagkabigong sumunod sa babala ay maaaring
magresulta sa sunog, pagsabog, pagtagas, labis na
pag-init o pinsala sa baterya.
• Huwag kargahan ang baterya na malapit sa
pinagmumulan ng init o sa ilalim ng direktang sikat
ng araw. Ang pagkabigong sumunod sa babala
ay maaaring magresulta sa sunog, pagsabog,
pagtagas, labis na pag-init, o pinsala sa baterya.
• Huwag ilagay ang baterya na nakadikit sa mga
bagay na metal.
• Huwag direktang ikabit ang baterya sa isang power
outlet. Ang pagkabigong sumunod sa babala
ay maaaring magresulta sa sunog, pagsabog,
pagtagas, labis na pag-init, o pinsala sa baterya.
• Huwag kalasin o baguhin ang baterya. Ang
pagkabigong sumunod sa babala ay maaaring
magresulta sa sunog, pagsabog, pagtagas, labis na
pag-init, o pinsala sa baterya.
• Iwasang mabagsak o mabutasan ang baterya
o mapasailalim ito sa isang matalas na puwersa.
Ang pagkabigong sumunod sa babala ay maaaring
magresulta sa sunog, pagsabog, pagtagas, labis na
pag-init, o pinsala sa baterya.
• Huwag na huwag ilubog ang baterya sa tubig o
ibang likido. Ang pagkabigong sumunod sa babala
ay maaaring magresulta sa sunog, pagsabog,
pagtagas, labis na pag-init, o pinsala sa baterya.
• Huwag gamitin ang baterya kung may mapansin
kang pag-iiba ng kulay, mga depormidad, mainit-init
hanggang sa mainit na temperatura o mga amoy na
nagmumula sa baterya. Ang pagkabigong sumunod
sa babala ay maaaring magresulta sa sunog,
pagsabog, pagtagas, labis na pag-init, o pinsala
sa baterya.
106